Miss Granny – isang pagmumulat

Pagkatapos mapanood ang Philippine adaptation ng Korean movie na Miss Granny, ang mga sumusunod ay mga realisasyon ko bilang isang anak mula sa isang ina:

1. Kahit binago ang takbo ng buhay niya, pinakamasayang araw niya nung ikaw ay ipinanganak.

2. Paulit-ulit niyang pipiliin ang buhay na meron siya kasama ka kahit gano kahirap ang dinanas niya.

3. Proud siya sa lahat ng ginagawa at narating mo, maliit man o malaki.

4. Kahit nasaktan mo siya, hinding hindi ka nya matitiis. Patatawarin ka nya at hindi kailanman magbabago ang pagtingin nya sayo.

5. Hindi nauubos ang pagmamahal at pang-unawa na kaya niyang ibigay. At buong sarili nya ay kaya nyang isakripisyo para sayo.

Kaya tulad ng lyrics sa soundtrack na ISA PANG ARAW:

“Di mo namalayan naubusan ka ng oras
Pwede bang humiling
Isa pang araw na ikaw lang ang kasama
Kulang na kulang ang panahon
‘Di sapat and meron tayo ngayon”

Wag natin sayangin ang bawat sandali.

Mahal kita aking sariling Miss Granny.

(Photo courtesy of Pinterest)

Advertisements